ACTION STAR 1, NATAMEME KAY ACTION STAR 2!

TAHIMIK NA ANG buhay ng dalawang action star na may kanya-kanya nang misis. Nagkaroon ng gap ang dalawa noon nang makasama ni Action Star 1 ang girlfriend dati ni Action Star 2. Okay lang naman ito para kay Action Star 2. Ang hindi lang naging maganda ay nagsumbong ang girlfriend nito na parang binastos siya dahil inilabas daw ni Action Star 1 ang dila nito sa kanilang kissing scenes.

Naimbiyerna ang Action Star 2. Hinanap niya ang action hero at natagpuan niya ito sa isang kilalang disco. Hindi pa nakakapasok noon si Action Star 1 sa pintuan ay biglang kinausap ito ng friend niyang action star din. Nagkainitan sila at kinuwelyuhan agad ni Action Star 2 si Action Star 1.

Kahit na may image na palaban ay walang nagawa ang action hero. Hindi niya kasi kaya ang kanyang kalaban.

(By Alex Brosas)

loading...

5 thoughts on “ACTION STAR 1, NATAMEME KAY ACTION STAR 2!

Leave a Reply

Your email address will not be published.