Wednesday 22 May 2013

Acting award ni Dingdong Dantes, kinukuwestiyon pa rin!

SA PRESSCON ng Hope In a Bottle, isang charitable endeavor na ang isa sa mga prime mover ay si Nanette Medved, masayang ipinagmalaki ni Boy Abunda ang kanyang pinangga-lingan: ang pagiging mag-aaral sa isang public school. May kurot sa puso para kay Kuya Boy kapag ang mga kapus-palad na estudyante na ang pag-uusapan, lalung-lalo na sa mga malalayong probinsiya. Layunin ng proyekto na makapagtayo sila ng mga classrooms sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula sa kikitain nang maibebentang mineral water.

Sa interview naman namin at ilan pang media, inusisa namin si Kuya Boy bilang manager, kaibigan at kapamilya ni Ai-Ai delas Alas kung totoo nga bang may tampo ito sa ABS-CBN. Sagot ni Kuya Boy, “Inaayos ‘yan. Hindi ko ikinakaila. May mga bagay na pinag-uusapan. Hindi ko alam lahat ng detalye, dahil si Ai-Ai ay hindi lamang talent, ‘yan ay kapamilya ko eh, kapatid ko ‘yan eh, pamilya ‘yun.”

Ang ugat daw ng ‘tampuhan’ ay ang minsanang hindi pinapasok ang sasakyan ni Ai-Ai sa loob ng compound ng istasyon kung saan may guesting ito. Naglakad daw nang malayo si Ai-ai. Pagkatapos daw ng guesting ay nakiusap diumano si Ai-Ai sa mga guwardiya kung puwede ba siyang magpasundo sa lobby pero hindi pa rin daw pinapasok ang kanyang sasakyan.

Dagdag pa ni Kuya Boy, noong araw ding ‘yun na kausap niya kami at iba pang media ay kasalukuyan din daw nagkaroon ng pag-uusap between the management and Miss Ai-Ai. Dugtong pa niya, “There are things that are being ironed out.”

Sa ngayon, lumabas naman ang mga balitang nagkaayos na daw ang dalawang kampo.

 

KASUNOD NANG kanyang pagkapanalo bilang best actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival para sa Segunda Mano, na-ging maingay muli ang pangalan ni Dingdong Dantes sa pagka-nominate niya sa Golden Screen Awards bilang best actor.

Umalma kasi ang kampo ni Governor ER Ejercito sa pamamagitan ng kanyang publicist na si Jobert Sucaldito dahil sa hindi pagkakasama ng Asiong Salonga star sa mga nominado ng EnPress bilang best actor.

Kaya naman nang natiyempuhan namin si Dingdong sa isang event, hiningan namin ang aktor ng reaksiyon tungkol dito.

Paliwanag ni Dingdong, “Okay lang ‘yun. Maraming tao na nagbibigay ng opinyon at nirerespeto natin ‘yun. Pero sa akin kasi, malaking bagay ang isang nomination, because hindi lang naman opinyon ng isang tao ‘yan, kundi napakarami, and the fact na ako ay nakabilang sa listahan, eh malaking bagay, sobrang mala-king bagay ‘yun. So, du’n pa lang masayang-masaya na ako.”

Nominado rin si Dingdong sa Star Awards na napagwagian naman ni Governor ER Ejercito ka-tie si Aga Muhlach. Bukas naman, March 24, gaganapin ang Golden Screen Awards sa Teatrino, Greenhills.

Nagkaroon din ng ingay noong nagwagi siya sa Metro Manila Film Festival bilang best actor dahil diumano sa pagkampanya sa kanya ni Kris Aquino. Hindi rin nagsalita noon si Dong pero ngayong ilang buwan na ang nakalipas, hiningan na rin namin siya ng reaksiyon tungkol dito.

Tugon niya, “’Yun nga ang sabi ko eh, hindi naman lahat nang nano-minate ay nananalo. Step by step ‘yan eh. Masaya ako nang may nomination, mas lalo pa akong masaya noong nanalo ako.”

“So very grateful ako, du’n pa lang sa deliberasyon siguro na mapabilang ako sa listahan, very thankful na ako du’n.”

Nasasaktan kaya siya sa mga batikos na ipinupukol sa kanya?

Sagot niya, “Confident naman ako du’n sa naging resulta ng pinaghirapan namin, so kung may mga pumupuna, okay lang ‘yun.”

Hindi kaya siya nagagalit kapag may mga ganu’ng batikos? Nakangiting sagot niya sa amin, “Wala, wala, sobrang wala talaga. Kahit ako, natutuwa nga ako sa mga opinyon nila at nirerespeto ko ‘yun.”

Sa huli, nagpaabot naman si Dingdong ng pasasalamat sa mga taong hindi bumibitiw ng suporta sa kanya. Aniya, “Hindi lang nila alam kung gaano ako ka-thankful du’n sa patuloy na sumusuporta sa akin. It keeps me going. Oo maraming salamat.”

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related posts:

About the Author

has written 379 stories on this site.

26 Responses to “Acting award ni Dingdong Dantes, kinukuwestiyon pa rin!”

  1. AYA says:

    Grabe, parang palengke ang comment section. Kung makapanlait ng ibang tao. Tsk tsk.

  2. gaspar says:

    oh kala ko patay na tong si shebie bakla??

  3. shebie says:

    GRABE SA GANDA ANG “ME BELOVED” WALANG SINABI ANG LAHAT NG ITAPAT NG DOS……MABUHAY ANG LOVE TEAM NI MARIAN AT DONG!!!!!!!!!!!!!………..KAYO NA ANG THE BEST!!!!!!!!!!!!!!!!…………..MARIAN THE NUMBER ONE IS THE UNDISPUTED PRIMETIME QUEEN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  4. tirador says:

    wala talagang lalim. dede lang ang malalim. lol

  5. churva, says:

    napapakinggan q ung my giLagid sa biLibid niLa sa kptbhay namin na waLang cabLe kya puro gma Lang, waLa ksi kaming t.v.. grabe, pRang puro PERIOD Lang aLam nLa, ke naga2Lit, natu2wa, ngta2ka, naLi2to, period Lang Lagi ktapusan, d nLa aLam ung ganito oh “!”
    ..taz nung nbariL ung benjinx g0sh, pauLit.uLit Lnya, sbgay hirap na nga mg.em0te pahi2rapan p b naman sa diaLogue? mas mgaLing pa ung mga drama ng radio nun, mapi.feL mo tLga nra2mdaman nLa, sa mgjowang e2 waLa, wLang LaLim,

  6. laikabaito says:

    GMA7 lang naman ang nagsasabing prime time queen si Marian pero sa totoo flop naman talaga ang mga shows niya. unless click ang show ni plastikada aka marian kung mag suot sya ng custome para manood ang mga bata sa kanya. buti pa si Angel Locsin mapa movie at mapa TV show click. true again


Write a Comment


Copyright © 2013 Pinoy Parazzi. | Designed by Ronnelle Pangilinan & Jayson Pimentel