Accomplishments sa Senado, Ibibida

INAASAHAN NA sasabihin ni Pangulong Benig-no ‘Noynoy’ Aquino III sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang mga panukalang batas na pinagtibay ng Senado sa nakaraang 15th Congress.

Nabatid na mula sa 711 inihaing bills nasa 42 dito ang tuluyang pinagtibay habang 42 naman ang naghihintay na lamang ng lagda ni Aquino upang tulyang maging batas.

Kabilang naman sa naipasa ng Senado na mismong isinulong ng Palasyo ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Law, Sin Tax Law at ang amendments sa Anti Money Laundering Law.

Maliban dito, ilang pang special committees ang na-adopt at ito ay kinabibilangan ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Committee on Games & Amusements and the Committee on Amateur Sports Competitiveness.

May special committees pang nabuo na kinabibi-langan ng Select Oversight Committee on Suffrage, Select Oversight Committee on Local Government Code, Select Oversight Committee on Government Procurement, Oversight Committee on Bases Conversion, Special Oversight Committee on Economic Affairs, Oversight Committee on Intelligence And Confidential Funds, at Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditure.

Napagtibay rin ang rules of procedure on impeachment trial nang isalang si dating Chief Justice Renato Corona at tuluyang napaalis sa puwesto.

Naipasa rin ang Cyber Crime Law, at Juvenile Justice Act amendments.

Samantala, maliban dito nagsagawa rin ng pagsisiyasat ang iba’t ibang committees ng Senado sa mga isyung lumutang sa loob ng 15th Congress.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.