Accidental firing, tinitingnang dahilan Armory ng Pulis, Nasunog sa GenSan

ACCIDENTAL FIRING ang isa sa mga anggulo na tinitingnan ng pagsisiyasat sa nangyaring sunog sa opisina ng Regional Public Safety Batallion (RPSB) na nasa Police Regional Office 12 sa Tambler, General Santos City.

Ayon kay PNP Region 12 Director C/Supt. Benjarde Mantele, sinabi nito na bago nangyari ang sunog ay nagkataong ginagawa ang pag-isyu ng baril sa mga tauhan ng RPSB at ang isang baril umano ay depektibo, kung saan pinipilit na ipasok ang magazine kaya pumutok.

Hindi naman nabanggit ni Mantele kung sino ang nasabing pulis na nagpupumilit na ipasok ang magazine sa depektibong baril.

Pero ipinangako nito na mahaharap sa kasong administratibo ang pulis kung mapapatunayan ang alegasyon.

Samantala, hindi pa napapasok ang nasunog na gusali dahil sa pangamba na baka mangyari pa ang pagputok ng mga bala dahil kasama sa nasunog ang armory ng RPSB.

Wala pa ring nailalabas na ulat ang mga kinauukulan kung magkano ang kabuuang danyos ng nasunog na gusali at ang mga armas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.