Love Compatibility: Abut-abot hanggang Langit! (Rhian Ramos – Dingdong Dantes)

Screen Name: Rhian Ramos
Real Name: Rhian Denise Ramos Howell
Birthday: October 3, 1990
Zodiac: Libra
Symbol: The Balance
Ruling Planet: Venus
Quality: Cardinal
Element: Air
Strengths: Patient and balanced, Gregarious and sociable, Loving and affectionate, Cheerful and energetic
Weaknesses: Indecisive, May become careless, Prone to indulgence, Emotional and sensitive

Screen Name: Dingdong Dantes
Real Name: Jose Sixto Raphael Gonzales Dantes III
Birthday: August 2, 1980
Zodiac: Leo
Symbol: The Lion
Ruling Planet: Sun
Quality: Fixed
Element: Fire
Strengths: Kind and big-hearted, Energetic, Optimistic, Honest and loyal
Weaknesses: Prone to jealousy, Too much possessive, Egoistic, Dominating

MINSAN NANG NABANGGIT ng young actress na si Rhian Ramos na wala raw siyang pakialam sa leading actor niya kung may girlfriend man ito o wala. Ang tanging gusto lang daw niya ay maging professional lalo na pagdating sa trabaho. Eh, papaano kung ang leading man niya ay walang iba kundi ang guwapong-guwapo at hunk na hunk na si Dingdong Dantes? Sa tingin n’yo ba, mga kaparazzi,  makapagpipigil pa ang dalaga sa lukso ng kanyang damdamin lalo na’t parang nagkakamabutihan na ang dalawa? Hmm…

Eh, kung sa sintu-sintong pagkakataon ay biglang naging sina Rhian at Dingdong na? Magiging swak pa rin kaya ang kanilang pagsasama o magiging parang katulad ito ng kanilang palabas sa Kapuso network? Puno ng balakid at paghihirap? Papayag kaya ang mga Dongyanatics? Ano’ng masasabi ng stars sa pagsasamang ito? ‘Wag mag-alala, trip lang naman, eh. Alamin na lang natin kung bagay nga sila!

Si Cholo… este si Dingdong ay ipinanganak noong Agosto 2 at isang Leo, mabangis at mapusok. Samantalang si Rhian ay isinilang noong Oktubre 3 na isang Libra, mapagmahal at masayahin. Ngunit kung sa biglang tingin ay hindi sila bagay, nagkakamali kayo. Dahil ang Lion at ang Libran ay maraming ugali na magkapareho. Sa katunayan, isinilang ang dalawang taong ito upang mahulog ang loob sa isa’t isa. Romantiko at expressive, silang dalawa ay maraming paraan upang maipakita nila sa bawat isa ang kanilang mabuting pagtitinginan.

Ang kanilang relasyon ay iyong tipong pangmatagalan na. Kung mararapatin, masasabi na ang mga Libra at Lion ay isinilang para sa isa’t isa. Ang kanilang buhay pag-ibig ay puno ng kulay, romansa, at kasiyahan. Ang mga Leo ay natural na lider at ang mga Libran ay gusto lamang sumunod. Pareho silang naniniwala na ang buhay at pag-ibig ay nabibigyang-halaga lamang kung ang kagustuhan ng bawat isa ay nasusunod.

Ayon naman pala, eh. Swak na swak ang kanilang pagmamahalan kung nagkataon. Kaya naman relax lang mga Dongyanatics, hindi pa naman katapusan ng mundo kung sakaling magkatuluyan sina Dingdong at Rhian, eh. ‘Yun nga lang, kapag nagkatuluyan sila sa totoong buhay, mukhang mapapalitan ang kanilang tandem bilang Dongian, at least medyo katunog din, ‘di ba?

by Jerome Caraballa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.