Abusadong tanod

 

0927490xxxx – Sir Raffy, gusto ko lang pong ireklamo iyong isang tanod dito sa barangay Platero Biñan dahil sobra po ang pagkaabusado. Minumura po niya iyong mga complainant at nagdu-duty pa ng lasing. Sana po ay mabigyan ninyo ng aksyon itong reklamo ko. Salamat po.

 

0906573xxxx – Sir, isa po akong concerned citizen at isusumbong ko lang po ang mga traffic enforcer sa may Marcos Alvarez, Las Piñas, malapit sa SM Southmall. Hinihingan po ng tig-lilimang piso ang bawat jeep. Pakitingnan naman po dahil kawawa ang mga driver. Salamat.

 

0927896xxxx – Idol Raffy, gusto ko lamang pong itanong sa inyo kung tama po bang kunin ang license ko at kasuhan ako ng arogante ng isang pulis dahil lang po sa pag-reason out ko na kung bakit iyong isang naka-motor na walang helmet ay pinaalis nila kaagad samantalang ako may helmet. Pinagsabihan pa ako na ang dami ko pa raw sinasabi at may ticket pa. Ngayon ay wala akong license dahil kinuha nila. Nangyari po ito sa isang checkpoint sa Las Piñas kamakailan.

 

0910960xxxx – Idol, isa po akong driver ng closed van, irereklamo ko lang ang mga traffic enforcer ng Pasay na naka-assign sa ilalim ng fly-over ng Buendia at Roxas Boulevard. Sobrang mangotong kahit walang mga violation ang nahuhuli nila.

 

0915515xxxx – Sir, paki-check naman po ang mga babae’t lalaki na nangongolekta ng pera sa mga city bus sa ilalim ng MRT Cubao Station. I-lang Sabado ko na po silang nakikita roon, hindi ko po alam kung ligal ang kanilang ginagawa. Kasi minsan nakita kong may kasama silang MMDA. Nakakapagdulot po kasi sila ng traffic dahil hinaharang nila ang mga bus malapit sa intersection. Kung ligal man po ito ay malaki ang kita nila dahil sa 20 pesos yata na inaabot ng mga konduktor. Sana po ay maimbestigahan ninyo ito. Salamat po.

 

0906539xxxx – Sir, ire-report ko lang po sana iyong junkshop na itinayo sa tabi ng apartment namin. Mula po kasi nang itayo iyon ay naging malamok na po sa amin. Inireklamo na po namin sa barangay ngunit hanggang ngayon ay wala pang nangyayari kaya sinubukan na po naming i-report sa inyo. Sana po ay maaksyunan ninyo. Maraming salamat po.

 

0905965xxxx – Sir Raffy, concerned lang po kasi ako sa mga jeepney drivers dito sa Calamba City dahil talamak na talamak ang pangongotong sa kanila ng mga traffic enforcer. Nakakaawa naman po kasi sila.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong maaari kayong magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.