Abu Sayyaf na Dumukot sa 6 na Saksi, Huli

ARESTADO ANG isang tinuturing na hardcore member ng urban terrorist squad ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa loob ng Zamboanga International Airport sa pamamagitan ng joint operation ng militar at pulisya kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo mula sa Task Forces Zamboanga nadakip ng mga awtoridad si Muktar Ladjafirma, alyas Tuan Muks/Ustadz Muks na may reward money na P600,000 para sa kanyang ikadarakip patay man o buhay
Si Ladjafirma ang sinasabing nanguna sa pagdukot sa anim na kasapi ng Jehovah’s Witness sa Patikul, Sulu noong 2002, ayon kay Task Force Zamboanga commander Col. Andrelino Colina.
Sinabi pa ni Colina, na kanilang inaresto ang suspek pagbabang-pagbaba nito nito sa eroplano mula Cebu.
Si Muktar ay kabilang sa mga nagsasanay sa mga tinatawag na miyembro ng Abu Sayyaf jihad doctrine trainer.
Bukod kay Muktar ay may tatlong kasapi ng ASG ang nadakip ng mga awtoridad sa loob ng isang mall sa Zamboanga City na kasalukuyang inimbestigahan.
Inihayag pa ni Colina na nanatiling banta ang kidnapping sa Zamboanga City.
“The threat is always there,” anang opisyal.

(E.CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.