Abs ni JC Tiuseco, type na type ni Maxene Magalona – Ruben Marasigan

KAHIT MAKAILANG BESES nang sinasabi nina Maxene Magalona at JC Tiuseco na magkaibigan lang sila, hindi pa rin matuldukan ang pagkaka-link nila sa isa’t isa.  Madalas kasi silang nakikitang magkasama. Pinakahuli ay ‘yong sa Trinoma kung saan magka-holding hands pa raw sila habang naglalakad.

And just recently, sa fans day ng Fanatext ng GMA-7 para kina JC at Akihiro Sato, appear doon si Maxene para magbigay ng kanyang suporta.  Very sweet talaga sila sa isa’t isa at hindi naghihiwalay kahit sa loob ng dressing room.   Para nga bang ang loveteam nila na nabuo sa katatapos na seryeng Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin, mukhang nauwi sa totohanan na.

Aminado naman si Maxene na nagkakasama silang mag-malling ng binata.  Pero never naman daw silang nag-holding hands.

[ad#post-ad-box]

“Actually, kapag lumalabas kami, kasama namin sina Glyza (de Castro), si Rich Asuncion, si Pat (Patrick Garcia), hindi kaming dalawa.  Akala nila siguro… like kunyari nahiwalay kaming dalawa, akala ng mga nakakakita, may something na.

“Pero hindi.  Wala naman.  Friends lang kami talaga,” say ni Maxene.

Obviously, they both like each other.  Kumbaga—- nabubuking na pero ayaw pang umamin?

“Ay, hindi.  Hindi talaga!” natawang pagdidiin ni Maxene.

“Kasi ano, eh,… he respects naman na kabi-break lang namin ng boyfriend ko.  And kahit siya rin, kagagaling din lang niya sa long relationship.  Ayaw naming samantalahin what we have right now kasi okey kami.  Like kapag magkasama kami, we really enjoy each other’s company.

“Lagi kaming masaya.  Tawa kami nang tawa lagi.  So, ayaw naming lagyan ng malisya iyon.  Kasi we both don’t need a romantic relationship ngayon.”

Ang Mommy niyang si Pia Magalona, mukha naming boto sa binata.  At marami rin nga ang nagsasabi na bagay sila hindi lang as a loveteam kundi as boyfriend and girlfriend.

“Natutuwa naman kami pareho at may mga nagsasabing bagay nga raw kami.  Pero sa ngayon talaga, okey na muna sa amin ‘yong ganito— friends lang.  At masyado lang kaming close kaya iniisip ng iba na baka there’s something special going on between us.”

Kung sabagay, si JC kapag nagkakasama sila, mas nagiging silent type.  Does she find him torpe?

“Medyo may pagka-torpe nga siya!” natawang biro ni Maxene.  “Pero ‘yong pagiging parang torpe niya is his own way ng pagiging gentleman. And that makes me feel more comfortable when I’m with him.”

Pero may kasabihan din— silent waters runs deep.  ‘Yong tipo na tatahi-tahimik pero nasa loob ang kulo.

“Hindi. Mabait si JC.”

Sa pisikal na katangian ng binata, what does she like most about him?

“Siyempre ‘yong abs niya.  ‘Yong iba rin naman, iyon ang madalas na unang napapansin sa kanya, ‘di ba?  I also like his smile.”

Uyyyy!

PUMAYAG KAMING MAKARAY ng colleague naming si Rommel Placente sa fashion event ng Bench sa SM Mall Of Asia last Sunday.

Star-studded ang event, pero parang hindi masyadong feel ng crowd ang female celebrities dahil matamlay ang lahat habang rumarampa sina Melissa Ricks, Carla Abellana, Kris Bernal at Angelica Panganiban.  Mabuti pa nga sina Wilma Doesn’t at Lucy Torres ay may narinig kaming tumitili.  At saka kay Kim Chiu.

Dedma rin ang lahat kina Arthur Solinap, Rafael Rosell, at Jon Avila.  Kina Ejay Falcon at Aljur Abrenica, medyo may konting hiyawan na kaming naulinigan.

Pagsulpot nina Richard Gomez, Gerald Anderson at Jake Cuenca, lumakas-lakas na ang sigawan.  Nakaw-eksena rin ang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andrei na kasabay rumampa ng uncle nitong si Ryan Yllana.

Mas lumakas pa ang tilian nang lumabas si Dingdong Dantes.  Pero higit na nakabibingi ang sigawan ng mga tao kina JC de Vera, Enchong Dee at lalo na kay Coco Martin.

Kung ang pagbabasehan ay ang lakas ng tilian, sina JC, Enchong at Coco ang pinaka-bonggang-bongga sa lahat ng rumampang male endorsers ng may kabonggahan ngang fashion event ng Bench.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Abs ni JC Tiuseco, type na type ni Maxene Magalona – Ruben Marasigan

    • alam mo ba ang meaning ng pathetic? ikaw yon Jakarmi. sige bukasan mo na webster mo kung meron ka para naman hindi lang puro kabobohan ang alam mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.