Abra niyanig ng magkakasunod na lindol

SUNUD-SUNOD NA NIYANIG ng lindol ang lalawigan ng Abra mula Linggo ng gabi hanggang madaling-araw ng Lunes matapos na tamaan ito ng anim na lindol na may lakas na 3.1 magnitude; 3.0 magnitude; 3.5 magnitude; 2.6 magnitude; at 3.8 magnitude.

Unang naramdaman ang pagyanig bandang 8:45 p.m. ng Linggo na may lakas na intensity 3.1 na sinundan ng 5 iba pa sa magkakahiwalay na oras mula 2:08 a.m. hanggang 5:33 a.m. ng Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology, ang epicenter ng unang lindol ay 5 km northeast ng Bangued habang ang pangalawa ay 22 km northeast ng Bangued na may lakas na intensity 3.0 at naramdaman ito bandang 2:08 a.m.; ang pangatlo, 16 km northeast ng Bangued na may lakas na intensity 3.0 na naramdaman bandang 3:02 a.m.; ang pang-apat, 16 km northeast ng Bangued na may lakas na intensity 3.5 na naramdaman bandang 4:20 a.m.; ang panlima, 9 km northeast ng Bangued na may lakas na intensity 2.6 na naramdaman bandang 5:33 a.m; at ang huli, 11 km northeast of Bangued na may lakas na 3.8 magnitude na naramdaman bandang 5:44 a.m.

Base sa nakuhang report ng Pinoy Parazzi, walang nasaktan sa naturang magkakasunod na pagyanig.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.