Aborsyunista, Kulong

SWAK SA kulungan ang babaeng kilalang aborsyunista matapos magsagawa ng entrapment operation nang makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na naglalaglag ng fetus ang una sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Nora Barruga, 41, ng San Isidro, Tala ng lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon na nagsasagawa ng abortion ang suspek sa kanilang bahay.

Ala-1:30 ng hapon, isang babae ang pinapunta ng mga pulis sa bahay ng suspek upang magkunwaring magpapalaglag ng fetus sa kanyang sinapupunan.

Nang iabot ng asset ang P7,000 bilang bayad sa suspek ay agad na sumalakay ang mga pulis at dinakip si Barruga.

Nakuha sa suspek ang ilang kagamitan sa paglalaglag ng fetus.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.