Aborsyon, Walang Puwang sa RH Bill – Sen. Pia

WALANG PROBISYON na nanghihikayat ng aborsyon sa ilalim ng Reproductive Health (RH) bill.

Ito ang pagtiyak ni Senator Pia Cayetano matapos ratipikahan ng Senado at Kamara ang kontrobersyal na panukala.

Ayon kay Cayetano, malinaw sa pinagtibay na RH bill na hindi bibili ang gobyerno ng mga contraceptives na maaaring kumitil sa buhay ng sanggol na nasa sinapupunan.

Tinitiyak din aniya sa batas na ligtas na medical procedures lamang ang pahihintulutan para hindi magbuntis ang babae.

Matatandaang naging mainit ang debate sa Senado kung kailan nagsisimula ang buhay sa sinapupunan matapos ang pagtatalik.

Pressure din umano mula sa ilang international organizations ang pagsasabatas ng RH Bill para kontrolin ang populasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.