Aborsyon, Diborsyo, Same Sex Marriage, ‘di prayoridad ng Kamara

BINIGYANG-LINAW NI Speaker Feliciano Belmonte Jr.  na hindi prayoridad ng Mababang Kapulungan ang pagtalakay sa Divorce Bill.

Ito ang inihayag ng Speaker matapos magpasya ang Korte Suprema na hindi unconstitutional o ligal ang Reproductive Health Law at pagkalat ng mga espekulasyon na posibleng isusunod na ng Kongreso ang pagtalakay at pagpapa-tibay sa divorce bill, same sex marriage at abortion.

“They are all just that right now — speculation,” ayon kay Belmonte.

“While a Divorce Bill has been indeed filed, my personal views on the issue as well as those of my colleagues will be irrelevant at this point because like any measure filed, it will have to go through the regular legislative process”, pahayag pa ng Speaker.

Iginiit ni Belmonte na hindi nila ito legislative priority dahil may mga nakabimbing panukala na kailangan ng higit na atensiyon gaya ng Bangsamoro Bill, pagrebisa sa economic provisions ng Constitution at ang batas sa Freedom of Information.

“The idea of having an abortion bill is very far-fetched and involves playing God to the unborn which is a role we will not play. It also runs counter to our principle of aiming to improve the lives of our people. It is not and cannot ever be in our agenda,” dagdag pa ng speaker.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.