Abolisyon ng SK, Tinutulan ng Ilang Baguhang Senador

TINUTULAN NG ilang senador ang pag-abolish sa Sangguniang Kabataan (SK) sa harap ng mga isyu na nagiging “breeding ground” ito ng korapsyon at political dynasties.

Sinabi nina Sen. JV Ejercito, Sen. Teofisto Guingona III at Sen. Bam Aquino na sa halip na buwagin, dapat rebisahin ang framework at ayusin ang panuntuan ng SK lalo na sa pananalapi.

Bagama’t aminado si Guingona na sa edad 15 hanggang 17 taong gulang na miyembro ng SK, talagang may kakulangan sila sa kaalaman kaugnay ng pangangasiwa sa pinansyal na aspeto.

Gayunman, inihayag din nina Guingona at Aquino na kailangan ng mga kabataan ng isang institusyon upang mari-nig ang kanilang mga boses o hinaing.

Samantala, kaugnay nito ay maghahain ng isang panukalang batas si Ejercito na naglalayong maisailalim sa reporma ang Sangguaniang Kabataan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.