Abogado, Tiklo sa Shoplifting

ARESTADO ANG isang nagpakilalang abogado matapos mag-shoplift umano sa isang supermarket sa Ayala, Makati City.

Kinasuhan ng Theft ng pamunuan ng supermarket ang suspek na nagpakilalang si Atty. Antonio Cabreras Jr. matapos nakawin ang dalawang rolyo ng wagyu cube meat na nagkakahalaga ng P3,500.

Sinabi ni Sr. Supt. Manuel Lucban, hepe ng Makati Police, nahuli sa akto ng mga security guard ng Rustan’s Supermarket si Cabreras habang ipinapasok sa kanyang supot ang wagyu cube roll at lu-mabas ng customer exit nang hindi nagbabayad.

Umaga pa lamang aniya ay nakapagnakaw na ito ng sigarilyo bagama’t hindi pa naman ito mapatunayan ng mga guwardiya, dagdap pa ni Lucban.

Ngunit bumalik umano ito bandang hapon at humingi ng supot, kaya agad na nila itong sinundan hanggang sa

maaktuhan ito sa ginawang krimen.

Samantala, napag-alaman na asawa ang nasabing salarin ng da-ting executive officer ng supermarket at matagal na umano nitong gawain ang kumuha ng paninda nang hindi nagbabayad bagama’t hindi ito masita noon dahil sa katungkulan ng asawa.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Makati City Police si Cabreras.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.