Abogado, Patay sa Boga ng Parak

PATAY ANG isang abogado matapos barilin ng isang pulis at isang pang suspek sa Brgy. Pu-ao, Hamtic, Antique.

Ang nasabing biktima ay nakilalang si Atty. John Mark Espera, 39, ng Poblacion Uno, Hamtic.

Lumalabas sa impormasyon, nagtungo ang biktima sa kanyang kliyente sa Brgy. Pu-ao at pagkatapos umano ng kanyang transaksyon ay nakasalubong nito ang isang Bimboy Suarez na naghamon sa kanya ng suntukan.

Kasunod nito, isang komosyon ang nangyari at nagresponde umano si PO2 Jose Suarez, naka-assign sa Tobias Fornier Municipal Police Station, kung saan binaril ang biktima gamit ang 12-gauge shot gun.

Maliban sa pulis, may isa pang hindi nakilalang salarin na nagpaputok ng baril.

Ang abogado ay tinamaan sa tiyan at nahulog pa sa kanal.

Samantala, ang pulis ay sumuko na rin sa Antique Police Provincial Office (APPO).

Hindi pa rin matiyak ang motibo sa insidente subalit tinitingnan na may dati nang alitan ang abogado at ang salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.