Abogado ni Ampatuan, Kinasuhan ng Tax Evasion

NAHAHARAP SA kasong tax evasion sa Department of Justice ang dating abogado ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan matapos kasuhan kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares, nilabag ni Atty. Redemberto Villanueva ang National Internal Revenue Code of 1997 dahil sa bigo itong magdeklara nang tama ng kanyang Income Tax Returns para sa taong 2010 at 2011.

Umaabot sa P36.93 milyon ang hinahabol na tax liability ng pamahalaan kay Villanueva, ani Henares.

Si Villanueva ang isa rin sa mga abogado ng mga Ampatuan na kinasuhan ng nasabing ahensiya.

Hindi naman nila sinasadya ang paghabol sa abogado ng mga Ampatuan at nagkataon lamang na may natanggap silang impormasyon hinggil sa hindi nito pagbabayad ng tamang buwis, paglilinaw naman ni Henares.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.