Abogado, Kritikal sa Bala

KRITIKAL ANG abogado matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nasa kanilang garden sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likod si Florante Yambot, 68, ng Raminel Subd., Vientereales ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:30 ng umaga, nasa garden ang biktima sa kanilang bahay nang barilin ng suspek na nasa bakod.

Nagpalit pa ng magazine ang suspek subalit nang muling kalabitin ang baril ay nag-jam na naging dahilan upang tumakas na lang.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek at kung may kinalalaman sa pagiging abogado ng biktima ang motibo sa pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.