Abogado, Dinukot sa Zambales

DINUKOT ANG isang abogado, na dati ring opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) noong Miyerkules sa Barangay Carael sa Botolan, Zambales.

Iniutos na ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap kay Atty. Joe Frank Zuñiga, 54-anyos, na huling nakita sa Ocean Adventure sa Subic.

Base sa salaysay ng ilang testigo, dinukot ng ilang suspek na sakay ng puting van si Zuñiga, habang sakay naman ng kanyang pulang Honda Civic na sasakyan na may plakang RRJ 593.

Sinasabing huling kausap ng abogado si John Nash, na isa sa mga opisyal ng Ocean Adventure.

Samantala, isa sa tini-tingnang motibo sa pagdukot ay ang pagkakasangkot ng ilang kliyenteng foreigner ni Zuñiga sa smuggling ng mga de kalibreng baril sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), na nadiskubre agad ng kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.