Abogado, Dinukot at Pinatay Dahil sa Pera

PROBLEMA SA pera ang tinitingnang anggulo ng Baguio City Police Office (BCPO) sa pagdukot at pagpaslang sa isang abogado mula sa lungsod ng Baguio at itinapon sa Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon sa BCPO, posibleng dinukot ang biktima na si Atty. Roldan Imson, 67, isa ring negosyante, at residente ng Yap St., Baguio City upang pagkaperahan lalo na at pagpapautang ang kanyang negosyo.

Maliban dito, ang isa sa limang mga suspek na nakilalang si Lovely Imson ay asawa ng pamangkin ng biktima kaya pinaghihinalaan na tungkol sa pera ang motibo sa nasabing pagdukot.

Una rito, dinukot ng limang suspek na pinaghihinalaang carjackers ang biktima habang nasa loob ito ng kanyang Toyota Innova na nakagarahe sa kanilang bahay.

Sa pakikipag-ugnayan ng BCPO sa Dagupan PNP at Tarlac PNP, agad na nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis, na ikinamatay ang limang suspek matapos manlaban sa mga miyembro ng Tarlac PNP sa isang farm house sa Gerona, Tarlac.

Una nang kinilala ng mga awtoridad ang tatlo sa mga suspek na pawang taga-Pinukpok, Kalinga na kinabi-bilangan nina Roger Gorospe, Dennis Magadang at Rey Alonzo Banawa kabilang na si Lovely Imson.

Samantala, inaalam pa rin mga pulis ang pagkakilanlan ng isa pa sa mga suspek.

(PARAZZI REPOERTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.