Abogada, Hinaras; 2 sasakyan, Sinunog

 

NANINIWALA ANG isang private lawyer na isang pananakot ang ginawang pagsunog sa kanyang dalawang sasakyan ng hindi nakikilalang kriminal sa Barangay Tanza Norte, Panay, Capiz.

Nagulantang ang buong pamilya ni Atty. Rosalinda Cuevas Bernales, residente sa nasabing lugar nang biglang mag-apoy ang kanilang garahe alas-11 ng gabi kamakalawa.

Aabot sa P100,000 ang kabuuang danyos sa pagkasunog ng isang pick-up at owner type jeep ng pamilya Bernales.

Napag-alaman na ang mga sasakyan ay naka-park sa garahe ng pamilya na may layong 50 metro mula sa kanilang tahanan.

Naniniwala ang pamilya Bernales na sinadyang sunugin ang naturang mga sasakyan dahil wala namang koneksyon ng kur-yente sa garahe.

Inamin din ng abogada na nakatanggap na ito ng pagbabanta kaugnay sa kanyang trabaho.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.