Abogada, Bugbog-Sarado sa Korean BF

WALANG INTERES ang isang abogada na sampahan ng kaso ang nobyong Korean National kahit binugbog at inuntog pa ang kanyang ulo sa pader.

Nakilala ang isang abogada na si alyas Atty. Nancy habang ang kasintahan ay nakilala na si Shon Choi, 32, kasalukuyang nakatira sa General Santos City.

Maaalala na agad gumawa ng aksyon ang pulisya matapos nakatanggap ng ulat na may isang dayuhang naging wild sa harapan mismo ng Public Safety Command Center sa Davao City.

Nang makita ng mga kinauukulan na binugbog ang kasintahan nito, nilapitan at sinaway nila ang nasabing dayuhan.

Ngunit nagalit ang lasing na Koreano at binugbog din ang driver ng Mobile Patrol Group na si Eduardo Cobillo.

Habang ang on board na si SPO3 Vargas na siyang mag-aaresto sana sa suspek ay sinipa ng Koreano, kung saan natamaan pa ang ari ng pulis.

Posibleng ang hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan ang dahilan kung bakit naging wild ang Koreano na humantong sa pambubugbog sa abogada.

Kahit sa natamong mga pasa ng abogada sa kamay ng kanyang nobyo, humiling pa rin ito sa mga awtoridad na hindi na lang sasampahan ng kaso si Choi.

Samantala, kahapon ay pormal nang sinampahan ni SPO3 Vargas ng Direct Assault ang Koreano dahil sa ginawa nitong pambubugbog sa kanya at sa kanyang driver.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga kinauukulan ang nasabing dayuhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.