Abductors ng BJMP officers, tutugisin ng PNP

TINIYAK NI S/SUPT. Cornelio Salinas, provincial director ng North Cotabato, na tuloy ang kanilang pagtugis sa mga NPA na dumukot sa apat na mga officers ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kasama ang AFP bilang bahagi ng kanilang mandato.

Kabilang sa pinalaya makalipas ang mahigit dalawang buwan ay sina J/Insp. Murphy Tudyog, J/Insp. Erico Llamasares, na siyang Ozamis City jail warden, SJ02 Rogelio Begontes at J01 Rolando Bajuyo.

“Well, it is our mandate also with AFP to provide securitiy of our people. Ang mahalaga ngayon ay na-release sila and everybody’s happy,” ani Salinas.

Iginiit ni Salinas na naging bahagi rin sila sa matagumpay na release ng apat dahil nagbigay daan ang security situation para sa safe release.

Kabilang si Salinas sa sumalubong sa mga pinalaya kung saan unang na-turnover ang mga bihag kay Bishop Modesto Villasanta, ang convenor ng grupong Sowing the Seed for Peace in Mindanao.

Ayon naman kay BJMP chief Director Rosendol Dial, isasailalim nila sa medical checkup ang apat, ihaharap din kay DILG Sec. Jesse Robrebo, sasailalim din sa debriefing at pagbabakasyunin ang mga ito bago muling bumalik sa kani-lang serbisyo.

Sa kuwento ni Llamasares, naging maganda naman ang pagtrato sa kanila ng mga NPA. Liban sa mga gulay, espesyal din umano ang kanilang pagkain hiwalay sa mga NPA members.

Ang mga BJMP officers ay dinukot ng mga NPA noong buwan ng Hulyo sa bayan ng Kitaotao, Bukidnon, habang nasa kasagsagan ng paghatid sa ilang inmates.

Samantala, ikinagalak naman ng mga pamilya ng mga binihag ang paglaya ng mga ito. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.