ABC President sa Sultan Kudarat, Nalambat

ARESTADO ANG ABC president ng Palimbang, Sultan Kudarat na matagal na ring pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ayon kay PO2 Dondon Lagdamen ng Criminal Investigation and Detection Group  (CIDG) Region 12, kinilala ang dinakip na si Barangay Captain Musaban Aliding alyas Commander Musaban na may limang Warrant of Arrest sa kasong Murder at Frustrated Murder.

Alas-2 ng hapon noong Sabado nang arestuhin ang suspek sa checkpoint ng Regional Mobile Group sa Barangay Tambler ng lungsod.

Ayon kay Lagdamen, mahigit sa isang buwan na sinusundan ang suspek at nahuli rin sa wakas matapos magtago sa lungsod.

Sa ngayon, nakakulong na sa selda ng CIDG ang naturang ABC president. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.