ABC President sa Naga, Patay sa Suicide

WALA NANG buhay ng matagpuan ang katawan ni Punong Barangay Alex Nero ng Barangay Liboton, Naga City pasado alas-6 ng umaga kahapon.

Sa inisyal na report, nakipag-inuman pa umano ang biktima sa kanyang mga barangay messenger noong kamakalawa ng gabi subalit kahapon ng madaling-araw, habang naliligo ang isa sa kanyang mga messenger ay narinig na lamang umano nila ang isang putok ng baril mula sa barangay hall.

Nang puntahan ang lugar ay nakita ang wala nang buhay na katawan ni Nero, may tama ng bala mula sa kalibre .22 na baril sa kanyang sentido.

Pinaniniwalaang problema sa pamilya ang nagtulak sa biktima upang tapusin ang sariling buhay.

Si Nero ang presidente ng Association of Brangay Captains (ABC) sa lungsod kaya naman umuupo rin itong isa sa mga konsehal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.