Abalos, Umaasang Magiging ‘Patas’ si Mupas

 

WALA UMANONG hokus pokus na nangyari sa isinagawang raffle sa kaso ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos sa Pasay City Regional Trial Court.

Una rito, ikinagulat din ng maraming tao kamakalawa sa Pasay City Hall of Justice matapos mapunta pa rin sa sala ni Pasay-RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas ang kasong electoral sabotage ni Abalos.

Maaalala na naging kontrobersiyal ang desisyon ni Judge Mupas sa agarang pag-isyu nito ng Warrant of Arrest laban sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na nahaharap din sa kahalintulad na kaso.

Ayon naman sa isang court official, electronic ang isinagawang pag-raffle sa mga kaso kung kaya’t imposibleng imaniobra ito.

Samantala, nagpahayag naman ng tiwala si Abalos sa pagiging patas ni Judge Mupas.

Una na ring hiniling kamakalawa ng mga abogado nito sa korte na magsagawa muna ng pagdinig para alamin kung may “probale cause” ang kasong isinampa ng Comelec-Department of Justice joint panel.

Nakahanda rin umano ang kanyang mga abogado na maghain ng kaukulang petisyon sa korte para maiwasan ang posibleng pag-aresto sa kanya, dagdag pa ng opisyal. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.