Abalos, Muling Pinayagang Lumabas ng Bansa

MULING PINAYAGAN ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos na makalabas ng bansa matapos hindi matuloy sa unang hiniling na petsa dahil sa pasong pasaporte.

Sinabi ni Pasay RTC Branch 112 Spokesperson Felda Domingo na pinayagan ni Judge Jesus Mupas si Abalos sa pangalawang hirit nito dahil valid ang dahilan sa pagkaantala ng biyahe noong Nobyembre.

Base sa inilabas na resolusyon, pansamantalang sinuspinde ng korte ang hold departure order (HDO) ni Abalos at maaari siyang makabiyahe sa Taiwan mula Enero 28 hanggang Pebrero 1 kung makapagbabayad ng P100,000 cash bond.

Samantala, nakatakda pang maglabas ng resolusyon si Pasay RTC 117 Judge Eugene dela Cruz sa parehong mosyon ni Abalos na pag-a-abroad para sa business trip.

Si Abalos ay nahaharap sa kasong two counts of electoral sabotage sa Branch 112 at 11 counts ng parehong kaso sa Branch 117 kaugnay ng partisipasyon sa umano’y dayaan sa 2007 elections.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.