Abalos, idiniin sa dayaan sa 2007 elections

 

IDINIIN NI dating election officer na si Yogie Martirizar si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos sa sinasabing dayaan sa eleksyon noong taong 2007.

Sa pagtestigo ni Martirizar sa pagdinig sa motion to bail ng dating Comelec chairman sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 sa kasong electoral sabotage, sinabi nito na nagkaroon ng pulong ang mga election supervisor, election officer at election director sa Region XII sa apat na restoran sa Davao City noong Abril 25, 2007 kung saan tahasan aniyang sinabi ni Abalos na papanalunin ang “Team Unity” ng dating administrasyong Arroyo, 12-0 para hindi raw mapahiya sa kanyang kumpareng si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Pinasinungalingan naman ng dating Comelec chairman ang testimonya ni Martirizar.

Nahaharap ngayon sa dalawang kaso ng electoral sabotage si Abalos dahil umano’y dayaan noong 2007 elections, kasama si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating election supervisor Lintang Bedol.

Samantala, naglagak na ng paunang piyansa si Abalos kaugnay sa 11 counts ng kasong electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 117.

Bagama’t nakapagpiyansa na, hindi pa rin makalalabas ng kulungan si Abalos dahil sa magkahiwalay na kasong electoral sabotage na dinidinig pa rin sa Branch 112.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.