Abalos, Humingi ng Privacy

BAGAMA’T NAKALABAS NA ng ospital si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos, matapos isugod sa ospital, hindi pa rin umano ito handang humarap sa publiko at humiling muna ng privacy.

Sa pag-amin ng anak nito na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, naisugod sa ospital ang kanyang ama bunsod ng tensyon noong Biyernes dahil sa kasong Election Sabotage hinggil sa umano’y dayaan noong 2007 election.

Halos pumutok umano ang bituka ng ama dahil sa sobrang pag-iisip, lalo na’t may dati na itong ulcer at high blood, anang Mayor.

Una nang sinabi ni Mandaluyong City public information officer Jimmy Isidro na bigla na lamang umanong nakaramdam ng hindi magandang kundisyon sa katawan ang dating poll executive.

Napag-alaman din na nangyari ang pagsugod sa ospital sa dating Comelec chairman pagkatapos ng kanyang pagtungo sa opisina upang alamin ang desisyon ng Comelec en banc kaugnay ng electoral fraud noong 2007.

Nainis si Abalos dahil ngayon lamang narinig ang ganitong kaso bagama’t hindi naisama sa pinapa-aresto.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Abalos, Humingi ng Privacy

Leave a Reply

Your email address will not be published.