Abalos, balik-selda

MASAYANG SINALUBONG ng mga batang naninirahan sa paligid ng Southern Police District (SPD) headquarters ang itinuturing nilang lolo na si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa pagbabalik nito mula sa ilang oras na pag-uwi sa kanilang bahay sa Mandaluyong City.

Una rito, bago magtanghali kahapon ay pinayagan si Abalos na makapunta sa kanilang bahay, alinsunod sa kahilingang makasama ang kanyang pamilya at ang apo na nagdiwang ng kaarawan.

Pasado ala-1 naman kahapon ay bumalik ang dating poll body chairman sa silid sa SPD kung saan siya nakadetine.

Bagama’t hindi maitago ang kasiyahan sa dalawang oras na pakikisalo sa pamilya, mas magiging masaya umano siya kung tuluyang mapapayagan na makapagpiyansa para mas matagal na makasama ang mga mahal sa buhay.

Samantala, muling dadalo ang dating Comelec chairman sa bail hearing ng electoral sabotage case na nakatakda naman sa

Hulyo 4 at 9.

Inaasahan ang pagpapatuloy ng cross examination ng depensa sa testigo ng Comelec na si da-ting North Cotabato provincial election supervisor Yogie Martirizar.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.