Aayusin ang Laguna
P-noy, tiwalakay San Luis

BUO ANG tiwala ni Pa-ngulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III kay Egay San Luis nang ihayag nito sa mga Lagueño na dumalo sa proclamation rally ng Team PNoy senatorial bet sa San Pablo City noong Pebrero 14 na, “Kay Egay San Luis, makaaasa ang mga taga-Laguna ng gobyernong malinis, serbisyong mabilis.”

Sa press conference na isinagawa matapos ang nasabing proclamation rally, sinabi ni Pangulong Noynoy na sila ni dating DILG Sec. Jesse Robredo ang personal na humimok kay Cong. San Luis na tumakbo bilang gobernador ng Laguna.

Si San Luis ang kasalukuyang congressman na kumakatawan sa ika-4 na distrito ng Laguna. Nahalal siya sa kanyang ikalawang termino nang walang kalaban. Bagama’t wala ring kalaban sa muli niyang pagtakbo sa ikatlo at huling termino sa Kongreso, nakumbinsi si San Luis na lumaban sa pagka-gobernador dahil sa pangambang tuluyang mapabayaan at malubog sa utang ang lalawigan.

Si San Lusi ang pinakabunsong anak ni Gobernador Felicing San Luis na nanungkulan sa Laguna sa loob ng mahigit 30 taon, na hanggang sa kasalukuyan ay ang pinakamatagal na panunungkulan ng isang lokal na opisyal.

Bilang kongresista, si San Luis ay minamahal at pinagkakatiwalaan ng kanyang mga kadistrito dahil sa naibigay niyang mabilis na serbisyo na nararamdaman ng mga tao at mga proyektong tunay na pinakikinabangan lalo na ng mga nasa laylayan at bukirin ng Laguna.

Ang batang San Luis ay kilala bilang ‘Action Man’ na dumarating sa oras at hindi nagpapahintay.

Ang buong tiket ng Liberal Party ay nasa likod ni Egay San Luis para isulong ang kanyang kandidatura para gobernador ng Laguna.

Ang tatlo pa niyang kasamahang kongresista sa Laguna na sina 1st Dist. Rep. Dan Fernandez, 2nd Dist. Rep. Timmy Chipeco at 3rd Dist. Rep. Ivy Arago ay mariing nakasuporta kay San Luis sa paniniwalang ito ang tunay na magdadala ng pagbabago sa lalawigan, tungo sa isang matuwid at maunlad na daan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.