Aaron Villaflor, in-love sa sister ni Anne Curtis na si Jasmine!

NAPADPAD KAMI SA Manila City Jail para sa indie film na Tarima, dahil na rin sa imbitasyon ng supervising producer na katotong KC Guererro. Sa mismong entrance pa lang, talagang mahigpit na ang mga guard. Nandiyang mag-iwan kami ng ID at ang tape recoder namin ay pinaiwan din.

Friend namin ang director ng movie na si Direk Neil Tan kaya naman kahit may kalayuan sa Quezon City ay pinuntahan namin.

“Malolokah ka at iiyak sa movie namin,” bungad ni Direk.

Bida sa said movie sina Fanny Serrano at Rocky Salumbides na boyfriend ni Eula Valdez at PBB Double Up edition housemate.

“Yes, ito ang movie na may script talaga ako. ‘Yung una, bit role lang. Mako-consider ko talaga na ito ang first major role ko. Actually, okey naman kay Eula, very supportive naman siya. Basta tanggapin ko lang daw ang role sa puso ko, walang problema. Siya nga ang nagsabi na tanggapin ko ang role. Malaki naman ang tiwala niya kay TF kaya naman madaling nagkasundo. At okey naman sa manager ko na si Ricky (Gallarado).” Pahayag ni Rocky.

Dapat lang na magtrabaho na si Rocky para naman hindi siya akusahan na ginagamit lang niya si Ms. Eula sa kanilang relasyon.

“Minahal ko si Eula, halos tinalikuran ko ang mga projects at mga kontrata sa abroad. Pero sanay na ako sa mga  nagsasabing ginagamit ko lang siya.Wala tayong magagawa du’n,” sagot ni Rocky.

Hindi kaya pagselosan ni Eula at mga love scenes nila ni Fanny?

“Hindi naman, siya nga ang nagsabi na tanggapin ko. Maganda ang movie kaya alam ko na maiintindihan lahat ng mga eksena.”

Kung ganon, ang suwerte-suwerte naman ni TF. Ang tanong, makita rin kaya sa movie ang kanyang kargada rito katulad ng lumabas na litrato sa internet?

“Malaki ba? Dyutay ‘ata, e!” Sey niya.

Well, abangan ang Tarima na prodyus ng nagpapaka-Viva Films na bagong produksiyon.

NANG MAG-GUEST KAMI sa Juicy ng TV5, nakausap din namin ang young actor na si Aaron Villaflor at du’n namin nakita at nalaman na 19 years old na pala ang dating 14 years old na sumali noon sa SCQ?

Lalo siyang gumuwapo at gumanda ang kanyang katawan. At mukhang ready na rin siyang gumawa ng mga pa-sexy role.

“Yes, nagdyi-gym ako. Kailangan talaga,” sey niya.

Sa dami ng bagong teleserye ngayon ng ABS-CBN, mukhang nakalilimutan o napag-iiwanan siya. Ang kanyang kasabayan sa SCQ na si Erich Gonzales ay umaalagwa na at nauna pa nga siya kina Gerald Anderson na nagbibida na ngayon.

“Hindi naman ako nagtatampo. Pana-panahon naman ‘yan. May ASAP pa naman po ako sa TFC show. Hindi naman ako nagmamadali,” pahayag pa niya.

“Gusto ko po talaga ngayon, magkaroon ng indie film, at sana maganda ang maging role ko, para hindi pagsisihan,” sabi niya uli.

Kinumusta din namin ang kanyang lovelife? In love naman daw siya ngayon sa kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine. Na  noong una ay ayaw niyang banggitin ang name.

Nasabi rin niya na type din niya ang mga beauty nina Erich at Lauren Young.

“Hindi naman ako torpe,” sey niya.

‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

4 thoughts on “Aaron Villaflor, in-love sa sister ni Anne Curtis na si Jasmine!

Leave a Reply

Your email address will not be published.