Aabot sa P400 thousand ang mga gamit na kinuha Annabelle Rama, kinasuhan ng pagnanakaw si Nadia Montenegro!

ANO BA ‘yan! Wala nang katapusang demandahan ‘yang away nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro, ha!

Nu’ng Lunes ay bagong kaso na naman ang isinampa ni Bisaya laban kay Nadia. Kasong Theft naman ngayon na nai-file niya sa San Juan Pro-secutor’s Office.

Ayon kay Annabelle, hindi pa rin daw isinoli ni Nadia ang mga gamit nito na kinuha raw sa storage ng bahay niya.

Ang sabi nito, sofa lang naman daw ang gusto niyang hiramin pero pagdating doon, ang dami na raw niyang kinuha.

Kuwento raw sa kanya ng isang tauhan niyang si Rudy Arrojado, ang buong akala raw niya, natawagan na nito si Annabelle para ipaalam na kunin ang iba pang gamit, pero wala naman pala.

Tantiya raw niya, umabot ng 400 thousand pesos ang halaga ng mga kasangkapang nakuha nito.

Nagpadala na raw siya ng demand letter na isoli lahat na mga gamit na ‘yun, pero wala naman. Kaya napilitan na raw siyang magdemanda.

Sinubukan ng Startalk na kunan ng reaksyon si Nadia kaugnay sa bagong kasong isinampa sa kanya, pero ayaw niya dahil mabuting basahin daw muna ng abogado niya ang complain bago siya magsalita.

Si Annabelle naman ay pursigido sa kasong ito at hindi raw siya natatakot sa mga idinemanda ni Nadia sa kanya.

Ini-enjoy na raw niya ang pagpupunta sa hearing kaya hindi raw siya apektado.

Tuluy-tuloy pa ito at hanggang 2012, susubaybayan natin ang away na ‘to!

NAGKAROON NG press preview ang pelikulang Panday 2 nu’ng kamakalawa ng hapon.

Kasama ng mga press na nanood ay mga batang nasa orphanage na binigyan pa ni Sen. Bong ng mga regalo nu’ng hapong ‘yun.

Enjoy na enjoy ang mga bata na unang nakapanood sa pelikulang ‘yun. Kaya kitang-kitang click na click sa kanila.

Kahit nga sa mga matatanda ay nag-enjoy rin kaya obvious na pampamilya talaga ito.

Ibinuhos ni Sen. Bong ang lahat na hirap niya sa pelikulang ito dahil gusto lang naman niyang maganda ang kalalabasan nito.

Kaya nga kung may part three pa ito, ano pa kaya ang puwede nilang gawin? Nakakaloka, ha!

Kahit abala sa pagpu-promote si Bong sa Panday 2, naisingit naman niya ang pagpunta ng Cagayan de Oro na lubhang nasalanta ng bagyong Sendong.

Grabe naman talaga ang nangyari roon, kaya nga nakiusap na rin si Sen. Bong sa mga kasamahan niya sa Senado na magbigay ng panahon na madalaw ang mga kababayan natin sa CDO at Iligan.

Marami pa rin naman sa mga kasama-han natin sa showbiz na sobrang concern sa nangyari, kaya nagbibigay rin sila ng tulong at ang iba nga ay nagsadya pa roon para damayan sila roon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePiolo Pascual, ‘di ipinagyayabang ang dami ng tinutulungan
Next articleJolo Revilla, magku-quit sa showbiz para mag-focus sa pulitika

No posts to display