AABOT NG 2048? Coco Martin, pinatulan ang mga naiinip sa pagtatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Coco Martin’s FPJ’s Ang Probinsyano, hanggang 2048 pa?

EWAN KO kung iritado na si Coco Martin sa dami ng mga miron na nagtatanong kung kailan magtatapos ang kanyang action serye na Ang Probinsyano?

Reaksyon ng marami na long overdue na raw ito sa ere na ang ginagawa na lang ng produksyon ay gumawa ng bagong “problema” na reresolbahin every two to three weeks ni Cardo Dalisay para manatili pa rin ang serye na hindi matapos-tapos.

Sa posting ni Coco sa kanyang Instagram account, nag-post siya ng art card ng show stating na “Ang Huling dalawang linggo! 08.25.2048” na natawa na lang ang karamihan.

Sarcastic pero funny ang dating para tumigil na ang mga naiinip sa ending ng aksyon serye.

Ang caption ng aktor sa picture na naipost niya: “Maraming salamat po sa inyong pagmamahalan!!! (na sinundan ng tatlong smiley icons)”.

Vic Sotto, Maine Mendoza and Coco Martin

Maging si Alden Richards na may bagong pantaserye sa GMA na Victor Magtanggol na katapat ng show ni Coco nagreact sa posting with three laughing out loud emojis ng smiley face na lumuluha because of joy. Aliw!

Reminder lang sa mga miron, ang mga palabas sa telebisyon ay hanapbuhay para sa istasyon. Habang sinusuportahan ito ng manonod at ng mga advertisers ay ibig sabihin lang na nagre-rate pa rin ito at kumikita na may ROI (Return of Investments) ang mga advertisers.

Yes dear, hanapbuhay ang mga pinapanood ninyo na shows sa TV.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.