A Walk to Remember

MATAGUMPAY ANG selebrasyon ng ika-6th Walk  of Fame ni German “Kuya Germs” Moreno sa Eastwood City Gardens sa Libis, Quezon City noong December 1. Dumagsa ang mga piling celebrities na binigyan ngayong taon ni Master Showman himself ng sarili nilang stars. Happy si Kuya Germs bagamat medyo masama ang timplada ng panahon noong araw na ‘yon, hindi naman umulan nang dumating ang oras para sa pagrampa ng mga taartits. Ngayong taon ay may 33 celebrities ang binigyan ni Kuya Germs ng bituin sa Walk of Fame. May mga beterano na sa industriya, mga sikat na artista sa kasalukuyang panahon, mga mang-aawit, mamamahayag, at mga yumaong celebs na kinatawan naman ng kanilang pamilya gaya nina Paquito Diaz na represented ng kanyang anak na si Joko Diaz; Inday Badiday na represented ng kanyang mga anak na sila Dolly Ann at Klang-Klang Carvajal at ng apo na si IC Mendoza; Helen Vela na represented ng kanyang anak na si Paolo Punzalan; Ike Lozada na represented ng kanyang mga kamag-anak; AJ Perez na represented ng kanyang parents at mga kapatid at Miko Sotto na represented ng kanyang inang si Ali Sotto.  A walk to remember ang peg ‘di ba, mga kaparazzi?  Samantala, narito ang mga napitikang larawan ng aming makukulit na kamerang-gala kung sinu-sino ang mga nabiyayaan ng pinakaaasam nilang bituin. Kareme-remember naman kaya ang kanilang eksena? Tutukan na!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Rudolph Santos

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “A Walk to Remember

  1. Pingback: Lovi Poe’s star in Eastwood’s Walk of Fame « Lovi Poe Fan Blog With Pictures and Videos

Leave a Reply

Your email address will not be published.