A New Beginning for Iwa Moto

ISA SA mga itinuturing na in-demand sexy villainess ng Kapuso Network si Iwa Moto. Sa katunayan nga, halos lahat ng sikat na leading ladies ng Siyete ay inapi na niya sa telebisyon. Sina Heart Evangelista, Katrina Halili, Carla Abellana at Marian Rivera ang ilan sa mga artistang nakatikim ng lupit ni Iwa.

Expired na ang kontrata ni Iwa Moto sa GMA Artist Center. Ang ibig sabihin nito, libre na siyang magtrabaho sa kung saan mang network niya gusto. Matatandaang hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon nila ng ex-boyfriend niyang si Mickey Ablan na pinag-piyestahan ng press. Dahil dito, pansamantalang nilisan ng sexy actress ang bansa at namalagi muna sa Japan. Inayos na rin niya ang kanyang citizenship at binigyan ng pagkakataon ang sarili na makapag-isip.

Bumalik ng Pilipinas si Iwa noong Nobyembre at nanawagan pa nga ito sa Startalk na gusto niya muling magtrabaho. Dahil hindi naman siya nabigyan ng matinong proyekto, naisipan nitong umober da bakod sa TV5. Naging guest co-host ito ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime, pero agad na umalma ang Siyete kaya kinailangan niyang lisanin agad ang programa.

Sa isang interbyu kamakailan, kinumpirma ni Iwa na okey na sila ng ex-boyfriend na si Mickey Ablan. Masaya rin ito para sa dating dyowa dahil nakatakda nang manganak si Janna Dominguez. Inamin na rin ni Iwa Moto na sila na ni Leandro Muñoz. Nagkita ang dalawa sa TV5 at ngayo’y mahigit isang buwan na silang magka-relasyon.

New goals, new station, new lovelife. Sana’y magtuluy-tuloy na ang positibong pagbabago sa buhay ni Iwa!

 

For questions, comments and suggestions, just e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.