9th Golden Screen Awards for Movies

HUMAKOT NG tropeo ang indie film na “Ang Babae sa Septic Tank” sa katatapos na 9th Golden Screen Awards  for Movies ng Entertainment Press Society (ENPRESS), na ginanap sa Teatrino Greenhills, San Juan City noong March 24. Si Eugene Domingo ang nag-uwi ng tropeo para sa kategoryang Best Performance by an Actress in a Leading Role-Musical or Comedy para sa nasabing pelikula. Ang Septic Tank din ang nag-uwi ng Best Original Screenplay, Best Editing, Best Motion Picture-Musical or Comedy at Best Director naman si Marlon Rivera para sa bonggang pelikula ni Uge. Iginawad naman kay Ms. Nora Aunor ang Lino Brocka Lifetime Achievement Award.

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.