97 Alkalde na Dawit sa Napoles Scam, Inimbitahan ng NBI

UMAPELA ANG Department of Justice (DoJ) at NBI sa 97 alkalde sa Luzon na sinasabing dawit sa scam ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles na makipagtulungan sa ginagawang pagsisiyasat ng ahensya partikular na sa Malampaya Fund.

Ito’y matapos na mabatid na maliban sa P10 bilyon na pork barrel scam ay dawit din ang diumano’y diversion sa pondo ng Malampaya.

Base sa salaysay ni Merlina Sunas, isa sa testigo laban kay Napoles ang P900 milyon na Malampaya Fund ay nakalaan sana para sa mga lugar sa Luzon na sinalanta ng Bagyong Ondoy at Pepeng.

Ngunit ito ay hindi natanggap ng mga pamahalaang lokal na napunta umano sa bulsa ni Napoles.

Sinabi ng mga whistleblower na peke ang lagda ng mga empleyado ni Napoles para makinabang sa Malampaya Fund.

Sa kabilang dako, napadalhan na rin ng notice at imbitasyon ang mga naturang alkalde at hinihimok na humarap sa NBI at idetalye ang mga nalalaman sa nasabing scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.