91 Katao, Tiklo sa Firecrackers Ban sa Davao

UMABOT SA kabuuang 91 katao ang nahuli dahil sa paglabag sa firecrac-kers ban sa lalawigan ng Davao.

Ayon kay Police Regional Office (PRO 11) spokesman P/Supt. Jose Carumba, naitala ang nasabing bilang mula noong Pasko hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.

Nasa 49 naman ang nahuling mga menor de edad na mataas kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang 89 ang nahuling lumabag sa firecrackers ban, kung saan 44 nito ay mga kabataan.

Naitala ang nasabing bilang mula Disyembre 15, 2011 hanggang Enero 1, 2012, dagdag pa ni Carumba.

Sa kabila nito, inihayag din ni Carumba na naging matiwasay ang pagsalubong ng Bagong Taon sa nasabing lalawigan.

Ayon pa kay P/Supt. Carumba, nagtala rin ng zero casualty ang mga  lalawigan ng Davao Oriental at Davao del Sur.

Kaukulang kaso naman ang kakaharapin ng mga lumabag sa pagpapaputok ng baril. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.