90 Opisyal ng PNP, sinibak sa panduduktor

UMABOT NA sa 90 na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang sinibak sa serbisyo dahil sa panduduktor ng kanilang report kaugnay sa tunay na sitwasyon ng kriminalidad sa kani-

lang area of responsibility.

Lumilitaw sa report ng PNP, inalis sa puwesto ang 80 mga chief of police, walong provincial directors at isang regional director.

Pinagsusumikapan ng PNP na makuha ang tunay na crime situation sa bawat lugar para mas epektibong mailatag ang mga awtoridad sa iba’t ibang parte ng bansa.

Inihayag din ng PNP na may iba namang opisyal na hindi sinasadyang mapeke ang kanilang mga report.

Nagkakamali lang aniya ang mga ito sa pagkakaintindi ng blotter reports kaya sa tingin ng naturang ahensya ay mali ang mga ulat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.