90-Anyos Na Lolo At Kapatid Na 84-Anyos, Natusta

KALUNUS-LUNOS ANG inabot ng magkapatid na matanda makaraang masawi sa sunog sa kasagsagan ng masungit na panahon sa bayan ng San Juan, La Union.

Kinilala ang mga biktima na sina Mariano, 90-anyos; at Ursula Bacani, 84-anyos, pawang residente ng Brgy. Sta. Rosa sa nasabing bayan.

Isinisi naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) – San Fernando City sa napabayaang kandila kung bakit nasunog ang tahanan ng mga biktima na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Sinasabing brownout sa lugar dahil sa masamang panahon kaya naman nagsilbing liwanag ang kandila na naiwang nakasindi ng mga matanda.

Tinangka naman ng mga kapitbahay ng magkapatid na isalba ang mga ito subalit bigong maapula agad ang apoy.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.