9 Sugatan sa Pagsalpok ng Van

TATLO ANG nasawi habang siyam pa ang sugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong van sa concrete barrier ng national highway sa Barangay Pingkian, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Galing ang  nasabing van sa Baguio City at papunta sanang Bambang, Nueva Vizcaya sakay ang 13 pasahero nang maaksidente alas-3:00 ng hapon noong Biyernes.

Binawian ng buhay ang tatlong pasahero ng van kabilang na ang mag-inang Virginia Nartates, 76-anyos at Adonis, 43-anyos na dead on the spot habang naisugod pa sa ospital si Hilaria Charque, 70-anyos na binawian din ng buhay noong Sabado.

Sugatan naman ang siyam pang pasahero nito kabilang ang apat na bata at si PO3 Alex Binuag ng Ifugao Police.

Base sa pagsisiyasat, nag-overtake sa sinusundang sasakyan ang van na minamaneho ni Norman Agustan habang nasa palusong na kalsada at bigla umano itong nawalan ng kontrol.

Nagpaikot-ikot pa umano ang van saka bumangga sa concrete barrier ng kalsada.

Sinabi ni Police Senior Insp. Jo Lambides, hepe ng Kayapa Police, basa ang kalsada noon dahil sa pag-ambon at posibleng hindi na kumagat ang preno ng van dahil sa bilis ng patakbo rito.

Samantala, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide at multiple serious physical injury ang drayber na nasugatan din sa naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.