9 Sugatan sa Aksidente sa NLEX

MALUBHANG NASUGATAN ang siyam na miyembro ng isang pamilya na kinabibi-langan ng apat na menor-de-edad, makaraang banggain ng pampsaherong bus ang nakahinto nilang sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX), kahapon ng mada-ling-araw.

Pawang nakaratay ngayon sa Manila Central University (MCU) Hospital ang mag-anak na sina Leonida Quilang, 46; Maria Evelyn, 11; Maria Cristina, 6; Maria Veronica, 45; Maria Agata, 10; Leo Judiel, 7; Emlamo, 43; Jayson, 20; at Manroy, 63, sanhi ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng mga elemento ng Caloocan City Police Traffic Division ang tumakas na driver ng Dagupan Bus Line na si Dante Bautista, matapos ang insidente.

Base sa ulat ng nasabing tanggapan ng trapiko, dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon nang maganap ang nasabing insidente sa gilid ng NLEX sa Libis, Caloocan City.

Nabatid na nasiraan ang sinasakyang FX ng mga biktima nang biglang dumating ang humaharurot na bus at bangain ang nasabing sasakyan dahilan ng upang magkayupi-yupi ang nakahintong FX ng mga biktima.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Serious Physical Injuries ang tumakas na suspek.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.