9 Sugatan; 100 Bahay Nasunog sa Cotabato

AABOT SA 200 daang pamilya ang nawalan ng tirahan sa lungsod ng Cotabato City matapos na masunog ang mahigit sa isang daang kabahayan doon kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Chief Inspector Guiamad Adam ang fire chief ng Cotabato City dakong alas-8 ng umaga kamakalawa ng magsimula ang sunog sa bahagi ng Raja Tabunayan Avenue , Cotabato City.

Tuluyan lamang itong naapula matapos ang tatlong oras na pananalasa ng sunog pasado alas-11 na ng umaga.

Sugatan sa nasabing sunog ang dalawang bombero at pitong sibilyan na ngayon ay pare-parehong ginagamot sa ospital sa nasabing siyudad.

Sa ngayon, ang angulong electrical connection o faulty ang nakikitang pinagmulan ng sunog mula sa isang bahay sa bahagi ng Raja Tabunayan.

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad kung magkano ang kabuuang danyos sa nasabing sunog na sinasabing hindi bababa sa isang milyong piso.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.