9 Sabungero, Tiklo sa Iligal na Tupada

SIYAM NA katao ang arestado ng Malolos City Police Station (CPS) matapos matiyempuhang nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Barangay Caingin, Malolos City, Bulacan.

Sa ulat ni PSupt. David Poklay ng Malolos CPS, dakong alas-10 ng umaga noong Enero 6 nang magsagawa ang mga awtoridad ng o-perasyon kontra illegal gambling sa Barangay Caingin na ikinahuli nina Roderick A. Uy, 46 anyos, may asawa, residente ng Sto. Rosario, Malolos City; Rodolfo R. Verbo, 34 anyos, binata; Alfredo A. Caluag Jr., 26, may asawa; at Cerie A. Caluag, 37, may asawa, pawang residente ng Calero, Malolos City; Rufino N. Santos, 57, may asawa; Isidro S. Chico, 59, may asawa; at Wilson B. Vanguardia, 51, may asawa, pawang taga-Kapitangan, Paombong; Jose Noli Alfon, 43, may asawa, ng San Agustin, Malolos City; at Eric S. de Regla, 42, binata at residente ng Caingin, Malolos City.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong manok na pangsabong.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa BJMP Malolos City habang inihahanda ang kaukulang kasong kriminal.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.