9 PATAY SA FLASHFLOOD AT LANDSLIDE SA LEYTE

UMABOT NA SA siyam ang kumpirmadong namatay sa naganap na landslide sanhi ng walang tigil ng malalakas na ulan mula pa noong araw ng Lunes. kahapon ng umaga sa lalawigan ng Leyte.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, una nang naiulat na pito ang kumpirmadong namatay subali’t bago magtanghali, nadagdagan pa ng dalawa na ang isa ay tinangay ng malakas na agos ng tubig-baha nakaraang makuryente sa Tanauan, Leyte .

Samantala ang isa pa na hindi pa nakikilala ay nalunod sa San Miguel, at makalipas ang ilang oras na ginawang paghuhukay sa Brgy. Cabalawan, Tacloban City sa mga matabunan, narekober ang bangkay ng pamilya Jordan na sina Jeanita at Marlon Jordan ang kanilang mga anak na sina John Paul Jordan, 13; Mariette Jordan, 17; Angelica Jordan, 16; Jhon Rey Jordan, 7 at John Hairey Jordan.

Nabatid pa na tatlong mga bahay ang huling napaulat na natabunan nang magkaroon din ng landslide sa Brgy. Diit sa lungsod ng Tacloban kung saan kinilala ang may-ari ng mga bahay na si Melanie Boloso, Jamine Arante at Marilo Arante na wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa alinmang miyembro ng kani-kanilang mga pamilya.

Mayroon na ring tatlong libong katao ang inilikas na nasa mga evacuation center na sa Tacloban City, at may posibilidad na tataas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa bukod na patuloy ang pagtaas ng tubig-baha, apektado na rin ang 52 sa 54 barangay sa bayan ng Tanauan.

(SAMION  TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.