9 Patay sa Dengue

PATULOY NA NANALASA ang dengue sa Western Visayas.

Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may tanggapan sa Camp Aguinaldo, umabot na sa 9 katao ang nasawi sa naturang sakit sa Western Visayas mula Enero.

Sa tala ng Center of Health Development Group-Regional Epidemiology and Surveillance Unit, mula January 1 hanggang April 16, umabot na sa 814 ang dengue cases sa rehiyon.

Mababa ito ng 37 kumpara sa 1,288 cases sa kaparehong panahon noong isang taon.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Negros Occidental na umabot sa 383 at sinundan ng Bacolod City na may 149 cases.

Tatlo sa mga nasawi ay mula sa Negros Occidental habang tig-dalawa sa Capiz at Bacolod City, at tig-isa sa Antique at Iloilo City.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.