9 patay; 38 sugatan sa undas

 

UMABOT SA siyam ang naitalang nasawi at 38 ang sugatan sa paggunita ng Undas sa buong bansa.

Base sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang Alerto Undas 2012, 11 aksidente, anim na sunog, dalawang insidente ng pagkalunod, at tig-isang bomb threat at robbery ang naitala.

Ito’y mula noong Oktubre 31 hanggang Sabado, Nobyembre 3.

Kabilang dito ang vehicular accident sa Tagkawayan,Quezon na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng limang katao; banggaan ng dalawang motorsiklo sa Tiaong, Quezon kung saan dalawa ang patay at dalawa rin ang sugatan; vehicular accident sa San Manuel, Pangasinan kung saan dalawa rin ang nasawi; limang aksidente sa North Luzon Expressway (NLEx) kung saan pito ang sugatan; nahulog na pampasaherong bus sa Camarines Sur na ikinasugat ng limang pasahero; dalawa naman ang sugatan sa pagkasunog ng bagon ng Metro Rail Transit (MRT) kahapon; grass fire sa South Luzon Expressway (SLEx) at Manila South Cemetery; sunog sa Quezon City, Pasay, Las Piñas at Pagadian City; pagkalunod sa Tabuk City, Kalinga at Mogpog, Marinduque na ikinasawi ng apat  at 57 kabahayan ang bahagyang nasira sa 15-minutong pagtama ng buhawi sa siyam na barangay sa Bacolod, Lanao del Norte.

Sinabi ni NDRRMC Exec. Dir. Benito Ramos na mas mababa ang bilang ng mga nai-report na nasawi ngayong taon kumpara sa 33 nasawi noong 2011.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.