9 Nawawalang Pinoy sa Panatag Shoal, Ligtas Na

LIGTAS AT nasa mabuti nang kalagayan umano ang siyam na mangi-ngisda na unang nai-report na nawawala sa bahagi ng Panatag (Scarborough) Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Lt/Cmdr. Armand Balilo na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kaanak ng isa sa mga biktima na na-stranded lamang umano ang mga mangingisda sa Cabra Island, sa bahagi ng lalawigan ng Mindoro.

Una ng nanapaulat ang pagkawala ng mga biktima noon pang Oktubre 1, lulan ng fishing boat na “F/B Jericho”.

Kinilala ni Balilo ang mga nasabing mangingis-da na sina sina: Ricky Quidez, Mac Mac Quidez, Melbert Quidez, Joven Cervantes, Glen Reyes, Gardo Docusin, Rogelio Elesterio Sr., Joseph Valdez at Bibiano Dela Peña III.

Samantala, kasaluku-yan pang bini-verify ng PCG ang naturang impormasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.