9 na Tulak ng Shabu, Timbog sa Buy-Bust

MISTULANG MGA daga na walang masulingan ang siyam na katao kabilang ang dawalang babae, makaraang isagawa ang buy-bust operation sa Bendicio Compound, Brgy. San Martin de Porres at Brgy, San Manuel, San Jose del Monte City, Bulacan.

Kinilala ni P/Supt. Joel Estaris ng San Jose del Monte City Police Station na sina Rodel Bendicio, 34; Lilibeth Bendicio, 33; Julius Caesar Adonis, 31; Ricardo Estrella, 25; Charmine Tarrayao, 33; Jeremi Escano, 38, kapwa mga residente ng B-64 Bendicio Compound; at Allan Samson, 33, ng Sta Rosa 1, Marilao; Ferdinand Perez, 46, ng Brgy. Panginay, Balagtas; at Oliver Simbillo, 26, ng Brgy. Poblacion, Guinguinto.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, ganap na alas-9:30 ng gabi nang magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga tauhan ng PDEA, kung saan nakumpiska mula sa mga suspek ang 17 sachet ng Shabu at Shabu paraphernalia.

Nabatid na matagal nang inirereklamo ng ilang mga residente sa lugar ang naturang compound dahil sa talamak na bentahan ng ipinagbabawal na droga.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa San Jose del Monte City Jail sa kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 12 ng Republic Act 9165.

(TONY  DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.