9 na May Kapansanan, Nabigyan ng Kabuhayan

BILANG TULONG sa mga Navoteño lalo na ang mga may kapansanan o walang kakayanan na makapaghanap-buhay, siyam na katao rito ang ginantimpalaan ng pamahalaang lokal ng nasabing lungsod ng kabuhayan, kamakailan.

Sa ginanap na flag raising ceremony noong nakararaang araw ng Lunes, personal na inabot ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa siyam na benepisyaryong taga-lungsod ang iba’t ibang pangkabuhayan packages na nagkakahalaga ng P10,000 sa mga walang kapasidad na makapaghanap-buhay.

Ayon sa alkalde, ang nasabing proyekto ay bilang tugon sa inilunsad ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na Tulong Alalay (TULAY) sa May Kapansanan.

Isa sa mga nabigyan ay si Hector Salazar, nasa hustong gulang, na may kapansanan sa paglalakad at nagtitinda siya ng fish balls, squid balls, kikiam at hotdog sa mga empleyado ng Navotas City Hall.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.